Subscribe to Posts Like Us on Facebook
Showing posts with label Papa Jack. Show all posts
Showing posts with label Papa Jack. Show all posts

Love Quotes by Papa Jack

Bookmark and Share

Papa Jack is the famous DJ who gives love advice to his callers who have love problems via his number one radio show, TLC or True Love Conversations and Wild Confessions airing at Love Radio every Mon-Fri, 9PM to 2AM. Here are some of his love advice and popular Tagalog love quotes:


1. "Kung matagal ka ng nagho-hold on sa isang tao at wala pa ding nangyari, hindi let go ang solusyon dyan. Acceptance." -Papa Jack

2. "Mahal mo, mahal ka rin naman, tapos papakawalan mo? Tanga ka, tanga ka.. hindi masama ang ipaglaban siya. Hindi yung magpaparaya ka. Tao lang tayo, hindi tayo superheroes na magpaparaya para sa iba." -Papa Jack

3. "Ang nakakapikon na part, may ginawa siyang kalokohan, mahal mo pa din naman." - -Papa Jack

4. "Ugali ng mga lalaki ang mang-iwan. Yung mga tipong malapit ka ng maka-move on, biglang magpaparamdam... at mang-iiwan ulit." -Papa Jack

5. "Kung hindi na kayang panindigan hanggang sa huli, huwag nang simulan." -Papa Jack

6. "Yung mga linyang 'Kahit na magkahiwalay tayo ngayon, sana tayo parin sa huli.' ay isang malaking katarantaduhan. Kung ganun pala, sana pinaglaban mo na para naman walang masayang na panahon. Parang lokohan naman kasi 'yon." -Papa Jack

7. "Sometimes we sit down at merong isang tao na pumapasok sa isip natin, yet hindi natin malaman kung sino ba siya. Ang alam lang natin ay may nami-miss tayo o may hinahanap tayo. Ang alam lang natin life is not complete right now without that person. Kung hindi mo pa alam kung sino siya, dont worry time will come makikilala mo rin siya. And you will be glad that you waited for that person. And when you find him/her, alagaan mo siya, wag mo ng pakawalan. Dahil tandaan mo, you waited for him for so long." - -Papa Jack

8. "Huwag mong sabihin sa ex mo na andyan ka lang kapag nag-aaway sila ng partner niya. Ending n'yan, magiging kabit ka." -Papa Jack

9. "Kung mabigat na mabigat na ang dibdib mo at hindi mo na kaya, iiyak mo yan para maka-move on ka agad. Huwag kang magpanggap na masaya at malakas sa iba kung hindi naman talaga." -Papa Jack

10. "Hindi kasi enough na mahal mo lang siya. Dapat may kasamang trust." -Papa Jack

11. "Hindi mo pwedeng hanapin sa ibang tao 'yung nahanap mo sa una." -Papa Jack

12. "Pwede tayong magmahal ng sabay-sabay, pero hindi pantay-pantay." -Papa Jack

back to top